64 distressed OFW uuwi na

Nasa 64 na distressed overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia ang uuwi na ng Pili­pinas ngayong araw.

Kabilang dito ang isang Pinay worker na nakaranas ng pang-aabuso sa amo tulad ng pananakit at hindi binibigyan ng maayos na pagkain.

Pinagtatrabaho umano ito ng 21-oras ng kanyang employer pero isang beses lang kung paka­inin.

Mula noong Agosto 22 ng taong kasalukuyan, base sa record ng Philippine Overseas Labor Office (POLO)-Riyadh, nasa 398 distressed OFW na ang napauwi sa Pilipinas.

Nangako naman ang POLO at Oveseas Workers Welfare Administration (OWWA) na may matatanggap na financial assistance ang mga pauwing distressed OFW.
(Armida Rico)