Aabot pa lamang sa mahigit sa 666,000 katao ang nakapagparehistro sa buong bansa para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista, mababa ang bilang ng mga nagparehistro sa unang ilang araw mula nang buksan ang pagpaparehistro kung kaya’t umapela ito na huwag nang hintayin pa ang deadline sa Hulyo 30.

Aniya, nasa 666,748 na ang nakakapagparehistro para sa Barangay at SK elections sa buong bansa mula Hulyo 15 hanggang Hulyo 20, 2016.

Wala na aniyang dahilan pa ang sinuman na hindi makakapagparehistro dahil nakabukas ang kanilang mga lokal na opisina kahit araw ng Sabado at Linggo kung kaya’t walang rason para hindi makapagpare­histro.