668 Maute member sa Marawi nalagas

Umaabot na sa 668 ang bilang ng mga galamay ng Maute terror group na nalagas sa patuloy na pakikipagbakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno, ayon sa latest update na inilabas ng Malacañang kahapon.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Kris Ablan, nadagdagan ng dalawa ang bilang ng mga natodas na kalaban kaya pumalo na sa 668 ang kabuuang dami ng mga nasawing terorista.

“Today is Day 115 or Day 115th…and the data as of 7 p.m. September 13, yesterday… civilians killed is still at 47, firearms recovered is 685, no change. Unexploded ordnance recovered or UXO is 26. Civilians rescued is 1,728. Buildings cleared 10… and as of yesterday, it’s up — 16. Total killed-in-action (government troops) is 147,” ani Ablan sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Pagdating naman sa status ng cash donations ay umaabot na sa P15,343,798.23 ang nalikom para sa Marawi AFP (Armed Forces of the Philippines) casualty fund habang sa Marawi internally displaced persons (IDPs) ay P992,840.21.