Inaresto ng puwersa ng Eastern Police District ang aabot sa 699 na mga residente sa ikinasang operasyon laban sa mga hindi sumunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal.

Isinagawa ang simultaneous anti-crime law enforcement operation ng pulisya sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan upang tuluyang masawata ang mga pasa­way na residente.

Batay sa report, nasa 55 ang arestado sa smoking ban, apat katao ang huli sa kasong half naked, 64 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 576 ang nahuli pa sa iba pang paglabag sa mga lokal na ordinansa.