Kumpiyansa si Tourism Secretary Wanda Teo na maaabot at posibleng malagpasan pa ang target na anim na milyong tourist arrivals ngayong 2016.
“For 2016… six million (target na turistang lalapag sa Pilipinas). So far, as of July, kalahati na. So we will hit the target or even more,” pagbabanggit ni Teo sa press briefing sa Malakanyang kahapon.
Dinagdag ng DOT chief na ang international tourist arrivals ay nagbunga ng P127.37 bilyong kita sa loob ng unang na buwan ngayong taon o 14.7% mataas kumpara sa kaparehong yugto noong taong 2015 na umaabot sa halagang P111.05 bilyon ang pumasok na revenue sa bansa.
“At least 2, 978, 438 overseas visitors came in January to June period, 13% higher than the 2,619, 625 arrivals in the first six months last year. There were 459, 138 visitor arrivals in June alone before the Duterte administration took office,” ayon pa sa datos ng DOT.
Sinabi ng kalihim na ilang bagay din ang puntirya nitong maisakatuparan bago matapos ang kanyang termino.