Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang southern Peru, ayon sa ulat ng US Geological Survey.

Ganap na alas-3:50 ng madaling-araw nang maramdaman ang pagyanig na may lalim na 260 kilometro kung saan naitala ang sentro nito sa 27 kilometro ng north-northeast ng Azangaro.

Bukod sa katimugan ng Peru ay naramdaman din ang lindol sa kalapit nitong Brazil, Bolivia at Chile.

Sa kabila ng lakas ng pagyanig ay wala namang naitalang nasugatan, nasawi o napinsalang gusali.

Kaugnay nito’y nilinaw ng Pacific Tsunami Warning Center na walang banta ng mga destructive wave sa lugar.