Nakaramdam ng pagyanig na magnitude 7.7 ang eastern Pacific Ocean malapit sa Northern Mariana Islands.

Gayunman, hindi nagpalabas ng tsunami alert ang Pacific Tsunami Warning Center sa nangya­ring pagyanig.

Base sa U.S. Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol 31-milya hilaga ng isla ng Pagan na bahagi ng Northern Mariana Islands.

May lalim ito na 212-kilometro kaya malabo ang pagkakaroon ng tsunami ayon sa Pacific Tsunami Warning Center.