7 bata niligtas sa pambubugaw ng ina

Nailigtas ng mga awtoridad ang pitong bata mula sa pambubugaw ng kanilang ina sa Taguig City, kahapon.

Huli sa akto ang 28-anyos na ginang na binubugaw ang kanyang dalawang anak sa mga foreigner sa online.

Trinabaho ng mga pulis ang paghuli sa suspect sa pangunguna ni Philippine National Police-Anti-Trafficking in Persons Division chief Police Col. Maria Sheila Portento matapos mabatid na may nagaganap na pambubugaw sa mga bata gamit ang internet sa Palingon-Tipas.

Ayon kay Portento, kinukunan ng ginang ang kanyang mga anak ng kahalayan kung saan pawang mga foreigner ang parokyano na nagbabayad ng 80 hanggang 100 dollars.

Inihahanda na ang kasong ipapataw sa suspect dahil sa pambubugaw. (Elech Dawa)