7 kompanya sinuspinde sa pamemeke ng emission test

Suspindido ng 90-araw ang pitong private emission testing center dahil sa pamemeke umano ng resulta ng emission test sa mga sasakyan.

Ayon sa report ng Department of Transportation (DOTr), base sa pagsisiyasat ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES) napatunayan nila na namemeke umano ng resulta ng emission test ang mga nabanggit na kompanya.

Kabilang sa sinuspinde ay ang Nicole Emission Testing Center sa Calamba City, Laguna; RQG Emission Test Center sa Brgy. Kaunlaran, Quezon City;
Sigma Sure Emission Testing Center sa Capiz; Clearview Emission Testing Center sa Brgy. Kaunlaran, Quezon City; Nadine Emission Testing Center sa Alaminos, Laguna; MJAS Emmission Testing Center sa Brgy. Balon Bato, Quezon City; at Espino Automotive System sa Malasiqui, Pangasinan.

Kasabay nito, inabisuhan ng DOTr ang IT service provider ng pitong emission center para ihinto ang pagproseso ng datos mula sa mga sinuspindeng establisimi­yento. (Vick Aquino)