Pitong miyembro ng Navotas Police ang inaresto ng Philippine National Police’s (PNP) Anti-Scalawag Task Force noong Sabado dahil umano sa pangongotong sa kaanak ng drug suspect.

Hawak na ngayon ng PNP’s Counter Intelligence Task Force (CITF) ang mga pulis na ina­akusahan ng extortion na sina Police Officers 1 Emmanuel Benedict Alojacin, Mark Ryan Mones, Christian Paul Bondoc, at Jack Rennert Etcubañas; at Police Officers 2 Jonnel Barocaboc, Jessrald Pacinio; at Police Officer 3 Kenneth Loria.

Ayon kay PNP-CITF chief Sr. Supt. Jose Chiquito Malayo, ang mga nabanggit na pulis ay res­ponsable sa pag-aresto sa dalawang drug suspects sa anti-drug operation sa Barangay Longos, Malabon City noong Biyernes ng umaga.

Matapos dakpin ang mga suspek, ayon sa sumbong na tinanggap ng CITF ay ginamit umano ng isa sa mga pulis na umaresto ang cellphone ng isa sa dinakip saan kinausap ang ina at nag-demand umano ng P100,000 kapalit ng pagpapalaya.

Inihahanda na nga­yon ng CITF ang kasong kakaharapin ng mga pulis habang ang dala­wang dinakip ay pinalaya.