7 pari sa Cebu hinihinalang may COVID

Hindi maaaring magpunta ang mga deboto sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu nang i-isolate ang 7 parit at 9 na kawanito nito dahil sa sinususpetsahang nahawa sa COVID-19.

Ang unang suspected case na church employee ay naka-confine na sa ospital, sabi ni Fr. Andres Rivera Jr. sa kanyang homily na pinalabas sa Facebook, Linggo.

Nagkaroon aniya ng ubo at lagnat ang kawani matapos bumili ng pagkain sa palengke.

Naka-quarantine na ang 2 primary contact ng nasabing empleyado sa hiwalay na silid sa loob ng kumbento, ayon naman kay Fr. Aladdin Luzon sa isang ulat, habang 7 secondary contact ang naka-isolate na.

Kinuhanan na umano ng swab test ang mga pari at personnel. “With their help and guidance, we ensure the public that everything is properly managed and there shall be no cause for further alarm and distress,” ani Rivera.

Sa naunang pabatid, sinabi ni Rivera na Mayo 25 naitala ang mga probable COVID-19 case sa loob ng simbahan. (SDC)