7 PNP personnel sinabitan ng medalya

Binigyang para­ngal ng Police Regiona­l Office-Cordillera (PRO-Cor) ang pitong Phi­lippine National Police (PNP) personnel sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Iginawad ng mga opisyal ng PRO-Cor kay P/Lt. Col. Mario Maya­mes, Jr. ang “Medalya ng Kagalingan” dahil sa ipinakita nitong kaba­yanihan sa Marawi siege 2017 kung saan nagsilbi itong commanding officer ng mga Special Action Force (SAF) troopers.

Natanggap naman nina P/Lt. Col. Antonio De Jesus, P/Maj. Ardie Bagaman at P/Cms. Anna Liza Cortez ang “Medalya ng Kasanayan” dahil sa pagbuo nila ng epektibong processing system na nagresulta sa mabilis na imbentaryo sa mga benepisyo, sahod at allowances ng mga PRO-Cor personnel.

Nakatanggap din si P/Cpl. Fredserick Diong-an mula sa Regional Police Strategy Management Unit (RPSMU) ng “Medalya ng Kasanayan” dahil sa matagumpay na pagkakapasa nito sa 2018 Bar Examinations.

Iginawad din kina P/Cpl. Carla Domoyeg at kay P/Maj. Florante Quiban ang “Medalya ng Papuri”.

Dito, hinikayat ng PRO-Cor ang lahat ng pulis na magpakita ng kaparehong kabayaniyan, kaalaman at kagalingan sa kani-kanilang mga trabaho. (Allan Bergonia)