7 probinsya apektado ng red tide — BFAR

Inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang nakuha nitong sample mula sa pitong probinsya.

Ayon sa BFAR, hindi ligtas para kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha sa baybayin ng Matarinao, Eastern Samar; Cancabato, Tacloban City, Leyte; Lianga, Surigao del Sur; mga karagatang sakop ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Princesa, Palawan; Pampanga; at ilang bayan sa Bataan.

Gayunman nilinaw ng ahensiya na ligtas at puwedeng kainin ang isda, pusit, hipon at alimango na makukuha sa mga nabanggit na lugar, basta siguruhin na hugasan ito nang mabuti, tanggalin ang hasang at lamang loob bago lutuin.