LAMPAS na sa 100 sultada ang inaasahan sa taunang “Alexander 4-Stag Derby” sa Las Piñas Coliseum at lalarga na sa Oct. 16.

Si coliseum manager Alex Tobias, kilala sa mga derbing may 50 entries pataas, ang host ng stagfest na may P11,000 entry at premyong aabot sa P500,000.

Puwede rito ang stags ng FIGBA Bakbakan at PFGB Digmaan.

“Please submit your entries one day before the derby. We will start early on Oct. 16,” ani Tobias.

Katatapos lamang sa LPC ng “30th Anniversary 5-Stag Derby” grand finals (90 sultada) noong Sept. 15 kung saan kampeon sina Engr. Tony Capton (Capton) at Dennis Aguilar (Gabriel Striker).

Samantala, bitaw ang second round elims ng “UMCGBA 7-Stag Circuit Derby” sa LPC sa Oct. 9 at ang “Boss Rox 4-Stag Derby” sa Oct. 26.

Tawagan lamang ang 873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)