7 taong gulang na bata, ginilitan at pinagsasaksak ng ama

new-edison-reyes-tugis

Matapos ang pamamaslang, kinuhanan pa ni Mark Alvin ng larawan ang bangkay ng bata at ini-upload sa kanyang Facebook account bago niya pinindot ang share na inilaan sa asawa’t ina upang matungyahan ng mga ito ang larawan.

Bukod dito, tinawagan pa ni Mark Alvin ang kanyang inang si Marlene at sinabi ang ginawang pagpaslang sa kanilang anak matapos ang kanilang mainitang pagtatalo ng asawa sa facebook.

Labis na nabigla ang ina ni Mark Alvin at hindi makapaniwala na magagawa ng anak ang karumal-dumal na pagpaslang sa sariling anak lalu na’t batid din niya kung gaano kamahal ng anak ang kanyang apo.

Nang mapagmasdang muli ni Mark Alvin ang bangkay ng anak at nakita ang dugo sa kanyang mga kamay, tila nahimasmasan ang lalaki at nagtatakbong palabas ng bahay, patungo sa kanyang mga tiyuhin na naninirahan din lang naturang lugar at ipinbatid ang ginawang krimen.

Dito na nagtungo sa bahay ng mag-asawa ang kanyang mga kaanak at dinantan nila ang wala ng buhay na si Cathlene na naliligo na sa sariling dugo sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan at leeg.

Matapos makalap nina Chief Insp. Monsalve ang lahat ng ebidensiyang magpapatunay na si Mark Alvin ang nag-iisang pumaslang sa sarili niyang anak, pati na ang sariling motibo nito sa ginawang pagpatay, isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong Parricide laban sa kanya.

Sinabi ni Monsalve na ang kasong parricide sa ilalim ng Revised Penal Code ay walang itinatakdang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado kaya’t kumpiyansa sila na hindi makakahirit ng pansamantalang paglaya sa kostudiya ng pulisya sa Mark Alvin.

Idinugtong pa niya na lalu pang nakapagpabigat sa kaso laban kay Mark Alvin ay ang ginawa niyang pamamaslang sa
anak habang mahim­bing na natutulog ang bata kaya’t hindi na nagawa man lamang manlaban o makaiwas ang biktima.
Bago ihatid sa kanyang huling hantungan sa sinilangang bayan ni Cathy ng Tiaong, Quezon ang kanyang anak, bumalik ng bansa ang ginang upang pangunahan ang paglilibing sa kaisa-isang anak.

Nais din niyang masubaybayan ang itinatakbo ng usapin laban sa asawa upang matiyak na mabubulok ang lalaki sa bilangguan upang pagdusahan ang nagawang kasalanan.

Matapos rebisahin ni Quezon City Prosecutor Conrado Rosario ang lahat ng mga ebidensiya at pahayag ng ilang mga testigo, pati na rin ang ha­yagang pag-amin ni Mark Alvin na siya ang nakapatay sa sariling anak, nakakita ng sapat at matibay na dahilan ang tagausig upang isampa sa korte ang kasong parricide laban sa akusado.

Attachments area