Sinentensyahan ng Sandiganbayan ang dating mayor sa Mountain Province ng pitong taong pagkabilanggo matapos mapatunayang guilty umano sa kasong extortion sa isang private supplier na may kontrata sa kanyang munisipyo.
Sa 31-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division, napatunayan na guilty sa kasong katiwalian si dating Barlig, Mountain Province Mayor
Crispin Fias-ilon dahil sa paghingi umano ng pera sa Blessed Saint John Pharmaceuticals and General Merchandise.
Bukod sa pitong taong pagkakakulong ay hindi na rin puwedeng pumasok o magtrabaho sa gobyerno si Fias-ilon na bahagi ng sentensyang ibinaba ng anti-graft court laban sa kanya.
Nadiin sa kaso si Fias-ilon dahil sa testimonya ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nahuli nila ito noong Hunyo 16, 2006 habang tinatanggap ang marked money mula sa complainant.