Muling aarangkada ang Philippine Super Liga sa pagbubukas ng Invitational Conference sa Marso 4.

Pag-aagawan ng pitong koponan — Petron, Foton, Cignal, F2 Logistics, Generika, newcomer Cocolife at isa pang koponang hahalili sa nag-leave na RC Cola-Army, na hahawak ni College of St. Benilde coach Macky Carino.

Paparada ang Cocolife na pangungunahan ng d­ating magkalaban sa UAAP na sina Michele Gumabao­ ng La Salle at Denden Lazaro ng Ateneo, kasama nina Rose Marie Vargas, Therese Gaston, ­Erika Alkuino at Wensh Tiu.

Hahawakan ni Adamson coach na si Airess Padda ang Asset Managers.

Samantala, pukpukan ang agawan ng mga teams sa mga free agents players noong off season.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Petron sa pagkuha kay Mika Reyes nang matapos ang kontrata nito sa F2 Logistics, kinuha rin ng Blaze Spikers ang beteranong setter ng Foton na si Rhea Dimaculangan at si Mel Tunay.

Nasilat naman ng Foton ang defense specialist na si Jen Reyes, samantalang tahimik na narecruit ng Cignal ang dating RC Cola Army stars na sina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga at Honey Royse Tubino.

Nanatiling tikom ang bibig ng F2 Logistics at ­Generika tungkol sa kanilang koponan na sasabak na sa aksyon.

Para painitin pa ang bakbakan ay may dadating na Japanese team sa semis.

Samantala, para naman pagandahin at pakinisin­ ang kumpetisyon ay mag-i-sponsor ang Belo sa ­Invitational Conference at Beach Volleyball ­Challenge Cup.