7 vape shop sa Taguig pinadlak

Pitong vape shop ang isinara ng Taguig City government matapos ipagbawal ang paggamit ng vape sa lungsod, nitong Biyernes nang hapon.

Isa-isang isinilbi ng mga tauhan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang mga closure order sa pitong vape shop na matatagpuan sa barangay Pinagsama, North Signal at Central Signal sa nasabing lungsod.

Ang hakbang ay ginawa matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa paggamit at pag-import ng vape matapos ang confirmed case ng electronic cigarette na nauugnay sa lung injury.

Ayon kay Atty. Fanella Joy Panga-Cruz, hepe ng BPLO, bukas araw ng Lunes (Nobyembre 25) ay may 10 pang vape shops silang isasara na napatunayan nilang may tinitindang mga electronic cigarette.(Armida Rico)