70 coach aktibo sa Pilipinas Para Games

70 coach aktibo sa Pilipinas Para Games

Umabot sa 70 coaches­ ang aktibong nakilahok sa isinagawang­ Philippine Sports Commission–PhilSpada-NPC Philippines na tatlong araw na Train the Trainors, Technical and Classification seminar na parte sa paglulunsad ng 2019 Pilipinas Para Games sa La Trinidad, Benguet.

Ikinatuwa ng mga coach na nagmula sa 13 malalaking lokalidad sa Benguet ang pagbibigay importansiya sa kanila ng dalawang ahensiya sa sports partikular kay 2019 PPG Executive Director Lita Agustin at Philspada President Michael Barredo para matutunan ang lahat ng teknikalidad at polisiya sa pagtuturo sa mga atleta ng Para Games.

“In behalf of the entire Province of Benguet and our Governor, we are extremely grateful for this exclusive chance for our coaches in the persons with disabilities to learn the very foundation of coaching,” sabi ni Benguet Provincial Director Deanmark Monang.

Ipinaliwanag naman ni Barredo ang kahalagahan ng tatlong araw na seminar pati na rin ang oportunidad sa bawat isang coach na dumalo sa pagtuturo at pagsasanay ng kabataan.

“Unlike before na wala talagang nakukuhang incentive ang mga Para athlete, malaki na ang naitutulong ng ating samahan sa pakikipagtulungan ng PSC para maiangat din ang buhay ng ating mga atleta na may disabilities,” sabi ni Barredo. (Lito Oredo)