700 bulate nakita sa utak ng tao dahil sa pagkain ng hilaw na baboy

Nasa 700 ‘parasitic worms’ ang natagpuan sa utak ng isang lalaki matapos nitong kumain ng hindi gaanong nilutong baboy sa China.

Isinugod sa isang hospital sa Zhejiang, ­China si Zhu Zhong-fa, 43-anyos, matapos na lumabas sa kanyang bunganga ang mga bulate at sanhi ng pagwala niya ng malay.

Sa isinagawang MRI scan ang mga ­bulate ay nakita sa kanyang utak at dibdib kung saan ang kanyang kondisyon ay tinawag na ­neurocysticercosis.

Nabatid na ang parasitic larvae ay ­nakukuha sa hindi gaanong nilutong baboy at ­nabubuhay sa katawan ng tao at pumapasok sa central ­nervous system na nagpapaigting sa seizures.

Nabatid na posibleng nakuha ni Zhong ang.mga bulate mataposbna kumain ng ng ‘hot pot’ noong nakalipas na buwan.

Pinainom umano si Zhong ng ­anti-parasitic drugs at unti-unti naman umayos ang ­pakiramdam nito sa kabila ng may senyales nang nakikita ang mga doktor na nasisira na ang organs nito.

Nabatid na si Zhong-fa ay nakatira sa ­siyudad ng Hangzhou ay pumunta sa ­pagamutan nang makita ang paggapang ng bulate sa kanyang bibig.

Maaari naman maiwasan ang ganitong kondisyon dapat lamang ng tamang paghuhugas ng kamay, lutuing mabuti ang baboy at uminom ng malinis na tubig. (Juliet de Loza-Cudia)