7,000 nurse mawawalan ng trabaho sa DOH budget cut

Mahigit sa 7,107 nurse ang nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa P9 bilyong tapyas sa budget ng Department of Health (DOH), ayon kay Se­nate Pro Tempore Ralph Recto.

“7,107 public health nurses ang nangangambang mawalan ng trabaho sa susunod na taon. Kasing dami ng mga isla sa ating kapuluan,” pahayag ni Recto kahapon.

“If not reversed, it will turn us into an archipelago of dismissed nurses. It is a kind of hospital discharge that is the most unkind,” dagdag pa nito.

Mahigit sa P88.36 bilyong budget lamang ang inilaan sa DOH para sa taong 2020, o mahigit sa P9.39 bilyong kaltas mula sa dating P97.65 bilyon pondo ngayong taon.

Ayon kay Recto, isa sa mga pangunahing programa na maapektuhan ng budget cut ay ang Human Resource for Health Deployment Program (HRHDP) ng DOH.

Sa taong ito, P12. 37 ang total budget ng HRGDP – P8.5 bilyon mula sa DOH at P3.8 bilyon mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF).

“For 2020, a measly P2.45 billion is proposed for HRHDP under the DOH budget, a deep P6.05 billion cut,” sabi ni Recto.

Sabi ni Recto, ang P2.45 bilyon sa ilalim ng DOH budget ay para lang sa employment ng 3,854 nurse sa 17,293 na ipinakalat ngayong taon. Isama pa dito ang 6,322 nurse na popondohan ng MPDBF at 10,186 na hired at rehired para sa taong 2020.

Kung hindi maibabalik ang pondo, mahigit 7,107 ang mawawala ng trabaho sa susunod na taon. (Dindo Matining)