70K trabaho alok sa DOLE ‘Independence Day’ job fair

Inihayag ng labor department na nasa 70,000 oportunidad sa trabaho sa lokal at ibang bansa sa mga mapapalad na naghahanap ng trabaho sa 22 job fair sites sa buong bansa na gaganapin sa Hunyo 12.

Ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) at mga business fairs ay inorganisa para sa pagdiriwang ng ika-121 ani­bersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kala­yaan sa bansa.

Sa ulat mula sa Bureau of Local Employment, may kabuuang 560 na kalahok na employers (461 lokal, 99 sa ibang bansa) ang magdadala sa kanila ng 68,893 na mga trabaho sa lokal at sa ibayong dagat.

Ang mga lokal na trabaho na may pinakamaraming bakanteng trabaho ay sa mga production machine operator, production workers, custo­mer service representatives; call center agents, mananahi, sales clerks, cahiers, delivery crew, service crew, at marke­ting officers.

Ang mga job order ay para sa Germany, Japan, Bahrain, at sa kaharian ng Saudi Arabia.

Ang 2019 Independence Day ay may temang ‘Kalayaan 2019 Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan’. (Mina Aquino)