Inaresto ng Mandaluyong Police ang isang 73-anyos na lola matapos lagakan ng warrant of arrest makaraang lumabas ang hatol ng korte sa reklamo ng estafa na isinampa noong 2011 sa Mandaluyong City kamakalawa.
Nakakulong ngayon ang suspek na si Rosalina Santiago y Leobrera, may-asawa at taga-San Ignacio St., Brgy. Plainview, sa MandaluÂyong detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa korte.
Inaresto si Santiago ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PO3 Ivon Panes bandang alas-tres Martes ng hapon sa kanyang bahay sa Brgy. Plainview dala ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Carlos A. Valenzuela, ng Regional Trial Court Branch 213, Mandaluyong City na may petsang Enero 11, 2019 sa criminal case no. MC11-13556 sa kasong estafa na walang kaukulang piyansa.
Ayon kay Mandaluyong Chief of Police S/Supt. Moises Villaceran, inaresto si Santiago sa reklamo ng isang Estillado noon pang 2011 hinggil sa kasong estafa. (Vick Aquino)