75 patay, ₱242M pinsala iniwan ni Usman

Umabot na sa 75 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Usman sa rehiyon ng Bicol, Eastern Visayas, Mimaropa at Calabarzon.

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 65 sa mga nasawi ay mula sa Bicol. Posible pa umanong madagdagan ang bilang na ito dahil sa patuloy na search and rescue operation sa nangyaring landslide sa Sagñay, Camarines Sur.

Nasa 45,348 na pamilya o aabot sa 191,597 katao ang apektado ng bagyo mula sa 457 barangay sa mga nasabing rehiyon, ayon kay Ricardo Jalad, executive director ng NDRRMC.

Nag-iwan ang bagyo ng P242 milyon na pinsala sa agrikultura, ayon pa sa ahensiya. Tatlong tulay at 91 kalsada ang nasira dahil kay Usman. (Edwin Balasa)