Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo ang nasa 75 katao sa National Center for Mental Health (NCMH).

Base ito sa unang sinabi ni NCMH Chief Administrative Officer Clarita Avila kung saan inakusahan pa nito ang NCMH chief Dr. Rolando Cortez na tinatago umano ang tungkol sa pagkalat ng virus sa kanilang tanggapan.

Kinumpirma rin ng DOH na nasa 13 psychiatric patient at 62 empleyado ang nagpositibo sa virus sa national mental hospital.

Gayunman ay may lima na umanong gumagaling dito. Isang pasyente at apat na empleyado.

Wala pa naman umanong nasawi sa COVID-19 sa NCMH.

Naka-quarantine na umano sa mga bahay ang ilang asymptomatic na health worker ng NCMH habang naka-admit naman sa ospital ang may sintomas ng virus.(RP)