780-percent taas-singil sa tubig, klarong pagnanakaw – Gatchalian

780-percent taas-singil sa tubig, klarong pagnanakaw - Gatchalian

Maituturing umanong isang uri ng pangho-holdap kung matutuloy ang planong pagtaas sa presyo ng tubig ng halos 780-percent, ayon kay Senador Sherwin ‘Win’ Gatchalian.

Sabi ni Gatchalian, hindi umano makatao ang nasabing plano kaya’t hindi ito dapat payagan ng gobyerno.

“Increasing rates by 780% is unconscionable and downright a highway robbery. No business in the world earns 780% in profit! Government regulators should never allow this inhumane increase,” sabi ni Gatchalian sa isang statement.

“At bakit kailangang ipasa sa mga consumer ang multa? Sila ba ang nagkulang at hindi sumunod sa batas? Hindi ito tama at hindi ito fair.”

“Ang publiko na nga ang nawalan ng tubig, ipapasa pa sa kanila ang mga penalties na dapat bayaran ng Manila Water dahil sa sariling kapalpakan nila,” dagdag pa nito.

Nauna nang napaulat na plano ng Manila Water – nagseserbisyo sa east zone ng Metro Manila, na magkakaroon ng 780 porsyentong dagdag sa water rate matapos silang pagmultahin ng Korte Suprema na malaking halaga dahil sa paglabag sa environmental law.

Sabi sa report, maaring tumaas ang presyo ng tubig sa P26.70 kung hindi maire-reverse ang desisyon. Umabot sa P921.5 milyon ang ipinataw na multa ng Korte Suprema dahil sa pagkabigo ng mga sewerage project sa ilalim ng Clean Water Act.

“Both Manila Water and Maynilad have been given ample time to comply with the Clean Water Act,” ayon kay Gatchalian.

“The government should not let Manila Water threaten to hold the public hostage with exorbitant price increases just so it could blackmail the Supreme Court into reversing its decision,” dagdag pa niya.

Pinabulaanan naman ng Manila Water ang napabaliting 780-percent pagtaas sa presyo ng tubig. (Dindo Matining)