7K residente nakinabang sa medical mission ng BARMM

Nakinabang ang may 7,000 Moro sa malawakang medi­cal mission na pinanguna­han ng Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) kaalinsabay ng selebrasyon ng 639th foun­ding anniversary ng Shiekh Almakhdum Mosque sa Simunul, Tawi-Tawi.

Nagsagawa rin ng libreng circumcision, dental services, eye screening, at blood sugar testing.

Libre rin na ipinamahagi ang mga gamot para sa mga common illness at vitamin deficiency ng mga residente sa Tawi-Tawi.

“Celebrations like this provide perfect opportunity for us to deliver to thousands of our brothers and sisters the TABANG (Tulong Alay sa Bangsa­morong Nangangailangan) humanitarian program of BARMM’s Chief Minister Al-Hajj Murad,” wika ni Minister of Health Dr. Saffrula M. Dipatuan.

Nakatanggap din ng maayos na paunang lunas ang mga matatanda na hinimatay habang idina­daos ang selebrasyon.

Ang BARMM-MOH ay nagkakaloob din ng medical service, medicine, at food supplies sa mga pamilya na apektado ng magnitude 6.6 na lindol sa lalawigan ng Cotabato.