LINGAYEN, Pangasinan — Umaabot sa kabuuang 7,704 ang nasa ilalim ng Persons Under Monitoring (PUM) sa lalawigang ito para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa ipinalabas na datos ng lokal na pamahalaan dito.

Gayunman, tiniyak ng mga opisyal ang kalusugan ng publiko na ang lalawigan ay nananatiling walang sakit at ligtas.

Ang nasabing paglobo ng bilang ng mga PUM sa lalawigan ay ang mga Pangasinense na umuwi mula sa lungsod ng Metro Manila matapos maisailalim sa community quarantine.

Inatasan ng pamahalaang panlalawigan ang mga dumarating na residente na agad sumangguni at mag-report sa kani-kanilang mga barangay hall para mailista at sumailalim sa “house quarantine” sa loob ng 14-araw.

Matatandaang may hindi bababa sa 16 na indibidwal na nasa listahan ng local health unit ng Pangasinan ang napaulat na sumasailalim sa PUM. Nakumpleto na ng mga ito ang 14-araw na quarantine stage at napalabas na. (Randy Datu)