Ibinaon ni Jarvey Gayoso ang nag-iisang goal at itinaas ng Ateneo ang tropeo matapos pagulungin ang Far Eastern University 1-0 sa final ng UAAP Season 79 men’s football kahapon sa Rizal Memorial Stadium.
Nakuha ni Gayoso ang sariling sablay na binutata ni FEU keeper Ray Joyel, ibinalik ang bola sa net sa 38th minute at dinagit ng Blue Booters ang seventh UAAP championship.
Hirap makapuntos ang Ateneo at Tamaraws, nakakita ng butas si Gayoso para isalpak ang panelyong puntos.
Tournament MVP at Best Striker award si Gayoso, anak ng dating PBA player Jayvee Gayoso at apo ng Ateneo football great Ed Ocampo.
May 12 goals ngayong season ang sophomore striker na si Gayoso.
“That’s why I always point to the sky. I offer this to my lolo, my mom and my dad,” masayang sabi ni Gayoso.
Ang ibang Eagles individual awardees ay sina Jarvis Jordan (Rookie of the Year), AJ Arcilla (Best Goalkeeper) at Jeremiah Rocha (Best Defender).
“Hindi ako makapagsalita. Pero I feel na, wow! Another championship,” saad ni Ateneo coach JP Merida. “We deserve this. I’m so happy.”
Tinanghal na Best Midfielder si Paolo Bugas sa huling laro niya sa FEU.