8.2M target na turista kayang maabot — DOT

DOT: Bagong mukha ng Maynila magpapalakas sa turismo

Kumpiyansa ang Department of Touris­m (DOT) na maabot nito ang target 8.2 milyong dayuhan turista na papasok sa bansa bago matapos ang taong 2019.

Ito ay matapos ang mataas na bilang ng foreign tourist na pumasok sa bansa nitong nakalipas na siyam na buwan.

“Ang ganda ng mga report na nata­tanggap namin that’s why we’re confident that we can reach 8.2 million,” ayon kay DOT Undersecretary Benito Bengzon Jr.

“For the first nine months, January to September, we’re already at 6.16 million foreign visitors, which is already a record in itself. The growth rate is about 14.37% so the common question is if we will reach 8.2 million. At present, we’re lookin­g at the movement of the October and November arrivals,” dagdag pa ni Bengson.

Ayon kay Bengzon, ang paglago ng bilang ng mga turista ay dahil sa mga bagong flight at bagong konstruksiyon ng mga paliparan.

“Marami na tayong flights hindi lang papunta ng Manila pero pati Cebu, Kalibo, Puerto Princesa, so in a way nadi-disperse natin ‘yong air passenger traffic. In so doing, siyempre mas maraming nakikinabang with the local communities,” dagdag pa ni Bengson.

Sa pinakahuling data na inilabas ng DOT, tumanggap ang Pilipinas ng kabuuang 6,161,503 bisita mula Enero hanggang Setyembre, 2019 na mataas ng 14.37 % na 5,387,458 sa kaparehas na panahon.

Pinakamarami umano sa pumasok na turista ay mula sa South Korea sumunod ang China. (Juliet de Loza-Cudia)