Walo katao na diumano’y mga alagad ng dating abogado at nuisance presidential candidate na si Elly Pamatong ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa kasong inciting to sedition at iligal na paggamit ng police at military uniform sa Quezon City kamakailan.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief. Supt Joselito Esquivel Jr., ang walong dinampot na sina sina Celso Dumaguing, 51; Esterlita Dumaguing, 60; Ricardo Repaso, 46; Epefania Ilagan, 55; Ernesto Supera, 35; Maricel Añonuevo, 36; Cirilo Curit, 59; at Rolando Nastor, 58.
Inaresto sila dakong alas-11:30 nang tanghali noong Disyembre 27 sa Bonny Serrano Avenue corner 15th Avenue, Brgy. Socorro, Cubao.
Ayon kay QCPD Station 7 commander Supt. Giovanni Hycenth Caliao, nakasuot ang walo ng uniporme ng PNP Special Weapons and Tactics at Scout Ranger habang namimigay ng mga flyer na naglalaman ng ‘seditious message’ laban sa pamahalaan at may pirma umano ni Pamatong. (Dolly Cabreza)