Dear Editor,
Walong magigiting na babaeng kadete ang magtatapos nang nasa top 10 sa kanilang klase sa Philippine Military Academy (PMA) na Salaknib Class of 2017 o Sanggalang ay Lakas at Buhay para sa Kalayaan ng Inang Bayan.
Ayon kay Lieutenant Col. Reynaldo Balido Jr., Information Officer ng Philippine Military Academy, 63 ang babae kung saan, ito ang pinakamaraming bilang sa kasaysayan ng PMA mula sa kabuuang 167 na magtatapos kung saan mahigit 30 ang mga turnbacks o ang mga hindi nakapagtapos sa mga nakaraang taon at ngayon sasabay sa graduation rites.
Saludo ako sa lahat ng kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na magsisipagtapos ngayong taong 2017.
Pinapatunayan lamang nito na hindi nasusukat sa kasarian ng isang tao ang kakayahan nitong makamit ang kanyang pangarap. Ang mahalaga ay iisa ang mithiin o layunin ng mga kadeteng ito ang sugpuin ang lahat ng katiwalian o wakasan ang terorismo na kinakaharap ng ating Inang Bayan.
FRANCIS A. ROMEO
Baguio City
Tulong ng AFP sa mga katutubo
Dear Sir:
Malaking tulong ang programa ng Philippine Army’s outreach educational project sa ating mga kapatid na katutubo.
Patunay ang pagtatapos ng 58 na miyembro ng Manobo at Pulangihonsa sa Basic Computer Literacy (BCL).
Isa itong tulong sa ating mga kababayan na hindi pa aktibo sa larangan ng teknolohiya.
Isa rin itong basehan na hindi dapat isisi ng Human Rights lalo na ang grupong Karapatan ang lahat ng human rights violation sa AFP at gobyerno na tumutulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga nangangailangan.
Malaki ang pinagkaiba ng AFP sa NPA na puro perwisyo ang dala sa ating mga mamamayan at kahit minsa’y hindi pa nakatulong at nakagawa ng mabuti para sa ating inang bayan.
Ann R. Aquino
Cavite