8 bayan sa Iloilo napeste

Walong bayan sa Iloilo City ang naapek­tuhan dahil sa pag-atake ng mga pesteng rice black bug.

Ayon kay Elias Sandig, Jr., assistant department head ng Iloilo Provincial Agriculture Office (PAO), kabilang sa mga bayan na apektado ng peste ay ang Sara, San Dio­nisio, Concepcion, Ajuy, Banate, Lemery at ang component city na Passi City.

Bunga nito’y pinaalalahanan ni San­dig ang mga magsasaka na ipagpatuloy ang ginagawang pamamaraan ng pagpuksa ng mga peste upang hindi magtuloy ang pagkalat nito.

Nabatid na walang masyadong standing crops sa mga pala­yan maliban lamang sa bayan ng Banate kung saan kasasabog pa lang ng palay ng mga magsasaka kaya pinayuhang agapan na lamang anila ito sa pamamagitan ng pag­lalagay ng mga pesticides. (Vick Aquino)