Arestado ang isang 22-anyos na construction worker matapos nitong pagsamantalahan ang isang 8-buwang sanggol noong Linggo nang umaga sa Malate, Maynila.
Nakakulong ngayon sa Manila Police District -Police Station 9, ang suspek na si Benedicto Dizon alyas Jumong, residente ng 2288 Leveriza St., Malate.
Ito ay matapos na ireklamo ni Bea, 16, nanay ng biktimang si Joy, 8-buwan at taga 584-72 Dakota St., Malate.
Naganap umano ang insidente dakong alas-5:00 ng umaga sa 2104-24 Dakota St., San Andres.
Natutulog umano sa lugar ang mag-ina nang biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol kaya nagising ang ina at naaktuhan niyang nakapatong ang suspek na walang pang-ibabang saplot.
Agad namang nagtatakbo ang suspek kung saan agad namang nagreklamo sa pulisya ang dalagitang ina.
Nang ipasuri sa Philippine General Hospital, nagpositibo umano na ni-rape ang sanggol dahil sa nakitang laceration o laslas sa ari nito.
Naaresto naman ang suspek sa follow-up operation.