Arestado ang 32 katao, kabilang ang walong dayuhan matapos mabuking ang kanilang investment scam sa Pasig City.

Sa bisa ng search warrant, ni-raid ng pinagsanib na operatiba ng Regional Special Operations Unit (RSOU), Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) kasama ang Internet Fraud Watchdog (IFW) at US Homeland Security, ang Wilmington Capital Adviser office at Tsaifu Elysium Global Inc. sa Ortigas, Pasig City.

Inihayag ni Natio­nal Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na kabilang sa mga naaresto ay tatlong Amerikano, tatlong British, isang Canadian, isang African at 24 Pinay na nagsilbing telemarketer ng grupo na kukumbinsi sa mga bibiktimahin nila upang mag-invest sa mga pekeng stock.

Target umano ng grupo na biktimahin ang mga retirado at pensyonado para himukin na mag-invest sa mga pekeng stock.

Kakaharapin ng mga suspek ang paglabag sa Securities Regu­lation Code.