8 lalawigan nasa state of calamity dahil kay ‘Tisoy’

Walong lalawigan na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa tinamaan ng grabeng pinsala na dulot ng bagyong Tisoy na apat na beses nag- landfall bago umalis ng bansa.

Kabilang sa mga lalawigang nagdeklara ng state of calamity ang Sorsogon, kung saan unang nag-landfall ang bagyo kasama ang Albay, na siyang pinakagrabeng binayo ng bagyo kung saan nawasak ang mga ari-arian kabilang ang Legazpi City Domestic Airport.

Sa ulat ng Sorsogon Provincial Information Office, umaabot sa P600 milyon ang napinsalang ari-arian sa lalawigan.

Napinsala din ang mga agrikultura, impastruktura na siyang pangu­nahing pangkabuhayan ng mga residente ng Albay.

Bukod sa dalawang lalawigan ay nagdeklara na rin ng state of calami­ty ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Nukan, Occidental Mindoro, Calbayog at Arteche sa Eastern Samar gayundin ang lalawigan ng Quezon at Iligan City sa Isabela.

Karamihan sa mga nasabing lalawigan ay wala pa ring kuryente at sira ang komunikasyon.(Edwin Balasa)