Tinututukan ngayon ng PNP ang walong pulitiko sa Central Luzon na kabilang umano sa listahan ng narcopolitics ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang press briefing sa Camp Olivas sa Pampanga, sinabi ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang walong pulitikong ito ay kinabibilangan ng limang alkalde, dalawang kongresista at isang bise gobernador.
Sinabi ng chief PNP na on going ang validation kung totoong sangkot sa ilegal na droga ang walong pulitiko.
Iniwas naman ni PNP Chief si Chief Insp. Jovie Espenido na maitalaga sa Central Luzon para magsagawa ng drug operation.
Aniya, hayaan na muna si Espenido sa Iloilo dahil opisyal naman ng PNP Central Luzon ang PNP Provincial Director ng Bulacan na si Sr. Supt Romeo Caramat na magaling sa mga drug operation.