Makikilala ang mga kampeon ng “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series sa grand finals ngayon, Biyernes, Aug. 30 sa Pasay City Cockpit.

Umabot sa 70 (4.5 at 5 points ) ang umakyat sa 4-stag grand finals nga­yon (140 sultada) handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

May 8 puntos na sina Darwin Dawang, Eduardo Pineda, Ganie Cortez, Carlos Tumpalan at Allan Cantal/Jay R Duterte.

Sinuman sa 52 five pointers ang puwedeng tumira ng 9-0 (panalo-talo), ani Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo.

Bukod sa LGBA, ang ibang grand finalists ay mula sa Quezon Breeders­ Club, Friends Of Manila Cockers Club, Cavite, La Union, Nueva Ecija, Bulacan, Mindoro, Isabela, Palawan, Sta.Monica Cockpit, Bicol at Pangasinan.

Samantala, umpisa ang LGBA Breeder of the Year series sa Sept. 6 sa PCC. (Enjel Manato)