Bahagi ng tradisyunal na pagdiriwang ng Chinese New Year ang paghahanda ng mga pagkain na nakakaakit ng suwerte. Heto ang inihahain nilang mga pagkain para makaakit ng suwerte sa kanilang mga pamilya.
Tang Yuan
Ang Tang Yuan (Glutinous rice balls) ay isang Chinese dessert na gawa sa galapong o malagkit at may palamang matamis na black sesame o red bean paste at idinudulog ng may syrup.
Faat choi jai
Vegetable dish na sinasahugan ng dried oysters,bamboo shoota, dried bean curds skin, mushrooms, ginkgo nuts, lettuce,golden noodles at faat choy.
Dumplings o siomai
Ang matamis na dumpling na may hugis-bola naman ay simbolo ng reunion.
Noodles o pansit
Simbolo ito ng mahabamg buhay, mas mahabang hibla ng pansit, mas masuwerte at mas mahabamg buhay.
Clams at scallops
Umaakit ng kayamanan ang mga clams at scallops na kawangis sa sinaunang Chinese coins.
Manok
Maganda ring ihain ang manok dahil sagisag ito ng maraming oportunidad
Prutas
Simbolo anila ito ng tuloy-tuloy an swerte.
Nian Gao
Pag-asang lalo pang mapapabuti ang pamumuhay
Totoo man na nag-aakyat ng suwerte ang mga pagkaing ito, mahalaga pa rin ang pagsisikap ng tao na sinangkapan ng pinaka-importanteng rekado sa ating buhay, ang pahdarasal sa ating Panginoong Diyos para sa kanyang patnubay at biyaya. (Mia Billones)