Parang kelan lang, nagtapat ang Alaska at Magnolia sa Finals ng PBA Philippine Cup noong 2010.
Parang kelan lang, pero walong taon na pala ang nakakalipas.
Winalis sa apat na laro ng noo’y kilala pang Purefoods Tender Juicy Giants na giniyahan ni coach Ryan Gregorio ang Aces na minanduhan ni coach Tim Cone.
Sina Sonny Thoss sa Aces at PJ Simon sa Magnolia na lang ang naiwang players sa championship showdown na ‘yun.
Makalipas ang walong taon, muli silang magtatagpo sa Finals, pag-aagawan ang korona ng season-ending Governors’ Cup simula sa Dis. 5 sa MOA Arena.
Si coach Alex Compton na sa Alaska, at si coach Chito Victolero sa Magnolia.
That was a while back, I barely remembered,” ani Thoss. “But it’s good to be back.
Hindi raw maganda ang alaala ng series na ‘yun para sa kanya.
“Bago na lahat, coaches bago na rin. Obviously kami lang ni Sonny Thoss natira,” ani Simon, 38. “Mas exciting ngayon.”
Mas mabagal daw ang laro ng Aces noon dahil nakadepende pa sila sa paborito ni Cone na triangle.
“The only thing I remember about that series is that our game, being triangle-based, was slower,” dagdag ni Thoss, 36. “Now, it’s more fast-paced.”
Kasama ni Thoss sa Aces team na ‘yun sina LA Tenorio at Joe Devance na nasa Ginebra na pati si Cone, si Reynel Hugnatan na naglalaro pa sa Meralco, at mga retirado nang sina Willie Miller, Jeffrey Cariaso at Tony dela Cruz. Sina Cariaso at Dela Cruz ay nasa coaching staff na ng Alaska.
Inaasahan na ni Thoss ang pukpukang serye, mapapalaban sila sa talentadong Hotshots.
“Magnolia is a tough team, they are talented,” lahad ni Thoss. “Just last game, (Travis) Romeo went off for 50 (points). You know what he is capable of. The locals, they are all active in all aspects of the game.”