8 terorista, hawak ng awtoridad sa Mindanao

arrested7

ZAMBOANGA CITY –— Hawak ngayon ng mga awtoridad ang walong terorista, kabilang ang tatlong babae, matapos masabat habang nagbibiyahe ng mga bomba sa Lanao del Sur province sa Muslim autonomous region.

Kinumpirma ito ng Western Mindanao Command (WMC) at sinabing naharang ng pinagsanib-puwersa ng militar at pulisya ang van ng mga suspek sa Brgy. Nanagun sa Lumbayanague.

Nasabat sa kanila ang 2 pipe bombs, 2 fragmentation grenade, 1 improvised explosive na ginawa mula sa 81mm mortar, dalawang .45-caliber pistol at mga electronic triggering devices ng bomba.

Pawang mga miyembro at kaanak ang mga ito ni Abdullah Maute, na siyang founder ng Dawlah Islamiya o ‘Islamic State’ sa Mindanao.