80K trabaho iaalok sa Labor Day

May nakalaang inisyal na 80,000 local at overseas job openings sa mga naghahanap ng trabaho at negosyo sa buong bansa, ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na mas maraming pagkakataon sa trabaho ang maaring makuha sa 53 na mga site ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) at mga business fair na inayos ng DOLE at Department of Trade and Industry (DTI).

Aniya ito ay paraan ng pamahalaan ng pagbabayad ng parangal at pagbibigay ng karangalan sa mga manggagawang Pilipino habang ang bansa ay magdiriwang ng Labor Day sa susunod na linggo. (Mina Aquino/Juliet de Loza-Cudia)