81 OFW apektado ng krisis sa Lebanon umuwi

Nakabalik na sa bansa ang panibagong batch ng 81 overseas Filipino worker (OFW) na inilikas ng pamahalaan mula sa Lebanon.

Kasama sa nasabing bilang ang 32 bata na sakay ng Gulf Air flight GF-154 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-10:30 nang umaga.

Ang mga naturang OFW ay pawang apektado ng economic crisis sa Lebanon. Karamihan sa kanila ay tinanggal umano sa trabaho na walang malinaw na dahilan.

Hindi na rin nila ka­yang manatili doon dahil sa halip na dolyar ay lira na lamang ang natanggap nilang suweldo mula sa mga employer.

Karamihan din sa mga umuwing Pinoy ay umabot na sa 15 hanggang 30 taon sa Lebanon na walang working permit hanggang nagkaroon na sila ng pamilya doon.(Armida Rico)