82nd birthday ni Kuya Germs, sinu-sino ang makakaalala at dadalo?

Kuya Germs

SA Oktubre 4 ay birthday ng tinaguriang Master Showman na si Mr. German Moreno.

First birthday ito ni Kuya Germs after niyang yumao noong Enero 8.

May malaking selebrasyon ang mga kamag-anak, mga kaibigan at mga dating katrabaho ni Kuya Germs sa araw na ‘yon.

Gaganapin ang birthday event for Kuya Germs sa Promenade sa Greenhills, San Juan.

Nang makausap namin si John Nite (nephew niya Kuya Germs), ikinuwentong pinaghahandaan nilang mabuti ang birthday event na ito ng kanyang Tito Germs.

“Ito kasi ‘yung first birthday ni Tito Germs na wala na siya, kaya nag-usap-usap kami na magkaroon nga ng celebration on that day. Mostly ang dara­ting, ‘yung mga taga-Sampaguita.

“Darating ding ‘yung mga taga-Walang Tulugan (with the Master Showman). I’m sure, kahit wala na si Tito Germs, matutuwa siya dahil ise-celebrate pa rin ‘yung birthday niya,” ­kuwento ni John.

Sa Oktubre 4 ay 82 years old na sana si Kuya Germs at aminado naman si John na sobrang miss na miss niya ang kanyang uncle.

Halos pitong buwan ding hindi nagtrabaho si John dahil affected talaga siya ng pagyao ng kanyang uncle.

“Kababalik ko nga lang. I’m working again, at heto nga, pinaghahandaan namin ‘yung birthday ni Tito Germs,” sabi pa ni John. Inaasahan nga ni John na ‘yung mga nagmamahal sa kanyang uncle ay darating sa selebrasyon na ‘yon.

Sinu-sino kaya sa mga natulungan at napasikat ni Kuya Germs ang makakaalala na pumunta sa 82nd birthday celebration niya sa Martes

***

Nakasabay namin sa elevator sa isang mall sa may Fort Bonifacio, Taguig City ang ex-wife ng isang actor na nali-link ngayon sa isang TV exe­cutive na legally sepa­rated sa unang mister.

Binanggit namin kay ex-wife na very open na ang dati niyang mister at ang TV executive sa kanilang relasyon.

Madalas ngang nakikita si aktor at TV exe­cutive na magkasamang nagsisimba.

Hindi rin naman ikinakaila ni TV executive ang relasyon nila ni aktor at mukhang masaya naman siya sa piling ng bagong karelasyon.

Biglang nag-dialogue si ex-wife na huli na raw kami sa balita.

“Huli ka na sa balita Kasal na sila! Noon pang May!” ang sabi sa amin ni ex-wife.

Nagulat kami. Minsan kasi ay kakuwentuhan namin ang isang showbiz mother na da­ting malapit kay TV exe­cutive at sinabi nito sa amin na kung magpapa­kasal daw si TV executive at aktor ay iimbita­han siya sa kasal.

Tinawagan namin ang isang kaibigang TV executive na kilalang malapit sa TV executive na sinasabing kasal na kay aktor para tanungin tungkol doon.

Nag-deny ang TV exe­cutive na tinawagan namin. Wala raw siyang alam tungkol sa bagay na ‘yon.

Kaya? O baka inili­lihim lang nila ang tungkol sa sinabi ng ex-wife ni aktor na kasal na ang dati niyang mister kay TV executive?

Well…

       * * *

Alex Gonzaga
Alex Gonzaga

Si Mrs. Pinty Gonzaga ang mismong manager­ ng mga anak niyang sina Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga.

Kilala siya bilang si Mommy Pinty sa showbiz.

Mahigpit na manager si Mommy Pinty at hindi siya ‘yung tipong kinukunsinti ang kanyang mga anak sa mali ng mga ito.

Kahapon, dapat ay kasama bilang contestant sa Traba-HULA Extreme segment ng It’s Showtime ng leading man niyang si Joseph Marco para sa promo ng My Rebound Girl ng Regal Entertainment na showing na ngayong araw na ito.

Late si Alex, kaya si Joseph lang ang naging contestant at sa ending na ng segment na ‘yon pumasok ang kapatid ni Toni.

Sobra raw kasing traffic at inamin on air ni Alex na pinagsabihan siya ni ­Mommy Pinty dahil late na naman siya.

Basta sa professionalism, si Mommy Pinty ang unang-unang nangangaral sa kanyang mga anak!

Hindi gusto ni Mommy Pinty na nasasabihang unprofessional sina Toni at Alex dahil nale-late ang mga ito!

Anyway, maganda naman ang promo ng My Rebound Girl, kaya mukhang may potential na kumita ito!