May kabuuang 1,016 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Lungsod ng Quezon.

Walumpu’t tatlo rito ay naka-recover na habang 90 ang naitalang namatay.

Tatlumput isang barangays sa siyudad ang inilagay sa ilalim ng “extreme enhanced community quarantine” dahil sa bilang ng mga kaso sa kani-kanilang lugar.

Ang Batasan Hills ang siyang pinakamaraming kaso na may 36 at sinundan ito ng Matandang Balara na may 30.

May 69 na ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices

Sa HOPE 1 FACILITY na isang temporary quarantine facility, ay may 3 pang available rooms kung saan may 34 na ang kumpirmadong COVID-19 na pasyente at 3 probable pasyente sa pasilidad.

Samantala, ang HOPE 2 FACILITY ay ginagamit bilang QC’s community based testing sa lugar. (Riz Dominguez)