Alessandra Ambrosio
(Victoria Secret model/actress)
Birthday: April 11, 1981
Romantiko ang mga babaeng Aries. Madali silang mag-fall sa ibang lalaki kapag naramdaman nila na wala nang ‘thrill’ o ‘spark’ sa kanilang relasyon. Mahilig siya sa mga surprise gift o pa-mystery effect para gumana ang kanyang imahinasyon.
Mahilig sa outdoor adventure. Kaya para sa Aries female, kailangan niya ng isang lover na puwedeng makasama niya sa kanyang mga ‘trip’ at ma-satisfy ang kanyang mga nakatagong pantasya.
ARIES (March 21-April 19) – Yayayain ng mga kaibigan. Kahit hindi mo feel, piliting sumama para mag-enjoy. Kaunting higpit ng sinturon para hindi kapusin ng budget. Lucky color: White, lucky number: 19.
TAURUS (April 20-May 20) – Mag-exercise para pawisan sa umaga. Mag-focus sa ibang gawain kung saan ka nag-e-enjoy. Huwag magpatalo sa negative energy na umuubos sa iyong lakas. Lucky color: Pink, lucky number: 1.
GEMINI (May 21-June 20) – Tinatamad ang pakiramdam. Mas gusto mong magbasa o manood ng sine. Kontrahin ang masamang iniisip. Piliting makalanghap ng sariwang hangin para bumalik ang sigla. Lucky color: White, lucky number: 22.
CANCER (June 21-July 22) – Mabagal ang takbo ng career. Hindi ito rason para malungkot. Makakabalik sa normal na takbo ng buhay sa susunod na mga araw. I-treat ang sarili sa masarap na pagkain para gumanda ang mood. Lucky color: Maroon, lucky number: 5.
LEO (July 23-August 22) – Huwag pakialaman ang hindi sa iyo. Gawin ang sariling trabaho. Mas magiging panatag ang kalooban kapag walang maaapektuhan sa iyong malaking desisyon. Lucky color: Peach, lucky number: 40.
VIRGO (August 23-September 22) – Hindi matutuloy ang planong bakasyon. Kung walang maisip na gagawin, mas mabuting magpahinga na lang sa bahay. Magugulat sa isang text o tawag. Lucky color: Gold, lucky number: 44.
LIBRA (September 23-October 22) – Umiwas sa anumang sugal o laro dahil wala kang suwerte sa araw na ito. Wala ring ningning sa lovelife. Hayaan munang manahimik ang buhay mo nang ilang araw hanggang sa maalis ang malas. Lucky color: Red, lucky number: 26.
SCORPIO (October 23-November 21) – Mas gusto mong mapag-isa. May kakaibang dinadamdam na hindi maipaliwanag. Pagbigyan muna ang sarili na makapahinga matapos ang nakakapagod na trabaho. Lucky color: Blue, lucky number: 11.
SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ipokus ang isip sa mabubuting gawain at ugali. Hindi matatahimik sa ginawa. Itama agad ito habang maaga pa. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.
CAPRICORN (December 22-January 19) – May gustong bilhin pero nagdadalawang-isip. Kung hindi pa sigurado sa sarili, huwag munang tumuloy. Itabi muna ang pera o gamitin sa negosyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.
AQUARIUS (January 20-February 18) – Maiintriga sa isang tao na madalas na makitang nakatingin. Maging extra careful sa lugar na hindi pamilyar. Mahirap mawala kapag hindi mo kabisado ang mga daan. Lucky color: Gray, lucky number: 32.
PISCES (February 19-March 20) – Bigyan ng second chance ang kaibigan na nakatampuhan. Hangga’t maaari, alisin ang lahat ng negative energy para mabawasan ang bigat ng dinadala. Ingatan ang bagong mga gamit. Lucky color: Violet, lucky number: 7.