Ex ni Rachelle Ann imbitado sa kasal

rachell-ann-go

Nasa Boracay na si Rachelle Ann Go kasama ang husband-to-be niya na si Martin Spies.

Sa Huwebes na pala, April 19, ang wedding nila sa nasabing island paradise. Buti na lang ay hindi sila inabutan ng pagsasara ng sikat na isla.

Kahapon ay may kitchen tea party si Shin (palayaw ni Rachelle Ann) with the Spies family sa Discovery Shores.

In full force na dumating dito ang pamilya ng American business executive fiance ni Shin.

Doon din sa Boracay naganap ang engagement nila last year ng kanyang guwapong mapapangasawa.

Balitang imbitado sa kasal sa Thursday ang close friends at fellow champions ni Shin na sina Sarah Geronimo, Mark Bautista at ang ex niyang si Christian Bautista.

Naging sina Shin at Christian dati. Nakatakda na ring ikasal si Christian this year sa fiancée nito na si Kat Ramnani.

Pagdating ni Shin from London ay nagkaroon siya ng surprise bridal shower with her closest friends.

Kasalukuyang gumaganap si Shin bilang Eliza sa West End production ng Hamilton, na kakapanalo lang ng Best Musical sa Olivier Awards.

31-anyos na si Rachelle Ann at 30-anyos naman si Martin. Nagkakilala sila sa New York nang gawin ni Shin ang Miss Saigon sa Broadway last year.