Naging unang quintuple gold medalist si Princess Sheryl Valdez ng SOCCSKSARGEN sa arnis samantalang lima pa ang humanay sa matitikas na record breaker kagabi sa pangalawang araw ng mga aksiyon sa 61st Palarong Pambansa 2018 sa magkakaibang lugar dito sa Ilocos Sur.
Maapos mapagtagumpayan sa umaga ang anyo individual double weapon, anyo individual single espada y daga, anyo individual single weapon at angklahan din ng Region XII sa anyo team single weapon sa umaga, kinumpleto ng 11-anyos, tubong Tacurong City, bunso sa dalawang babaeng mag-utol na mga supling ng nagpapaupa ng boarding house, pangkaraniwang bahay at incoming New Isabela Central Elementary School grade 6 na si Valdez ang pagsarili sa palabas sa San Vicente Municipal Gym.
Kinampay ni Samantha Therese Coronel ang gold medal sa secondary girls 13-17 100-meter backstroke sa clockings para sa new meet record na 1 minute at 06.58 seconds na tumaklob sa 1:07.12 Antique PP mark ni Metro Manila bet Meah Nicole Pamintuan.
Ang makinang na nagawa ng taga-Makati na manlalangoy ang naghudyat sa pananalasa ng NCR tankers sa Quirino pool sa Bantay Town upang maagaw ng perennial overall champion Big City ang pamumuno sa unofficial medal tally na mahigit sa 10 na laban sa 16 na karibal na rehiyon.
Silver-bronze sa event ni Coronel, 16, sina Calabarzon’s Bhay Maitland Newberry (1:07.25) at Western Visayas swimmer Kyla Soguillon (1:10.43) sa isang linggong kompetisyon ng 12,000 high school at elementary students.
Nagposte rin ng mga bagong marka sa track and field sa Quirino track oval sina Central Visayas entry Ann Katherine Quitoy sa pagprimera sa HS girls javelin throw sa 45.72 meters, tinakluban ang 2017 Antique PP mark na 42.82m ni Sylvian Faith Abunda ng Northern Mindanao.