85 taga-Tondo COVID carrier

Nasa 85 residente sa District 1 ng Tondo, Maynila ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang isinagawang mass testing sa may 1,133 katao kasunod ng ipinatupad na 48 oras na hard lockdown sa lugar.

Ang resulta ng mass testing ay hanggang nitong ala-una ng hapon ng Linggo at patuloy pa rin ang isinasagawang mass testing ng Manila anika Health Department (MHD).

Ayon kay Mayor Isko Moreno, 1,133 na mga residente ng District 1 ang isinailalim sa rapid testing para matukoy ang posibleng carrier ng COVID-19.

“Maganda rin ito na benepisyo na kapag nagbuti kayo sa komunidad, naging masinop kayo, naging disiplinado kayo ang benepisyo ninyo ay you will live normally,” ayon kay Moreno.

“Kapag ikaw ay naging matino at talagang sinusunod niyo `c yung social distancing, and yung quarantine and other protocols we will open your barangay. Discipline must be put in the right place,” sabi pa ng alkalde.(Juliet de Loza-Cudia)