Juice colored! Iyan ang mga katagang namutawi sa aking sensual lips matapos mapanood ang panayam ni James Yap Jr. sa kanyang nanay, si Kristine Bernadette Aquino sa kanilang online program.

Ang aking mga obserbasyon, matalino ang Junior ni Senior na mas kilala natin sa palayaw niyang Bimby. Inglisero, may kakulitan at kayang-kaya niyang i-spoof ang nanay niyang si Kris, mula sa sing-song manner of speaking, pagtawa, pag-iyak, pati pagpalakpak.

May drama pa nga ang Aquino na why are you spoofing me na katanungan, na sinagot naman agad ni Bimby na, “because it’s fun.”

Pleasant naman ang mga nangyayari sa panayam hanggang sa dumating sa puntong tinanong ni Krissy ang. “How come when I get affected by bashers and I get affected by the negativity, why are you able to tell me, ‘Mama, why do you care?’”

Ang sagot ni bunso, “Because I don’t care.”

At kaya wala na siyang pakialam kasi, “Because you know who manipulated me. And the most affective basher, I channeled all of it out on him. So, I don’t really care anymore about those others because I know they can’t hurt me as much as he hurt me.”

Walang duda na ang ‘he’ na sinaktan siya, ay ang biological father niyang si James Yap Sr. Dahil sa mga sinabing ito ni James Jr., para tuloy gusto kong maniwala na dalawang bagay na lang ang pareho nila ni Bimb, ang kanilang gender assignment at ang katotohanang ‘yung mga mata ni Junior ay parang mga mata ni Senior, pati na rin siguro ang taas at bulto nito.

Ang pagkakahalintulad, parang it stops na sa physical aspects at gender assignment. Ang puso at damdamin nito, alam na alam mong maka-nanay at para sa nanay.

Madami rin namang naging anak ang ibang showbiz royalties at celebrities, pero wala pa akong narinig o binasang malaking-malaking galit masquera­ding as tampo sa kanilang mga tatay. Laging ang mga nanay nila, hindi hinayaan ang mga anak nila, magtampo in a major, major way sa kanilang mga ama.

Dapat ba tayong mabahala sa mga ipinahayag ni James Jr.? Hindi kasi pwedeng ikaila ang resentment nito para sa kanyang ama. Na sa kanyang murang edad at pakiwari, buong-buo at klarong-klaro sa kanya no words or bashing/hating can break him anymore because it was his father who broke him first.

Kung nanay ka at mariri­nig mong may ganitong damdamin ang iyong anak para sa kanyang tatay, ano nga ba ang dapat mong gawin?

At kung tatay ka, at sigurado namang mapapanood ni James ang bidyo, will you not do anything? No efforts of reaching out to your son who already feels and thinks of you differently? Kahit sigu­ro sibat ang iharang sa iyo, James, dapat palagan mo dahil iba na ang persepsyon at turing ni Bimby, sa iyo.

Hindi emotionally healthy for Bimby to carry the weight of the hate side of the coin knowing na pre-pubescent ang binatilyo.

Kris must and should stop nurturing this resentment that Bimby feels. And by all means, James must and should make be Bimby feel his paternal love.

Bimby does not deserve to carry this kind of baggage. May panahon para maayos at maghilom ang tampong ito.